Sa isa kong website, merong mga nagtatanong kung meron daw silang makukuha na Philhealth maternity benefit pagkatapos silang manganak sa isang Philhealth-accredited hospital. Yong iba, walang binayaran; yong iba naman nagbayad ng less than 6,500 pesos o 8,000 pesos.
Question: Sabi ng Philhealth, ang Philhealth maternity benefit for normal delivery ay 6,500 pesos o 8,000 pesos depende sa hospital level. Kung less than 6,500 pesos o less than 8,000 pesos ba ang bill, makukuha ko ba yong balance?
Hindi po. Babayaran ng Philhealth yong nagastos mo na less than 6,500 pesos o less than 8,000 pesos. Hindi ibibigay sa iyo yong balance.
Question: Tapos na sa panganganak ang misis ko sa Philhealth-accredited hospital. Naibawas na ang Philhealth payment sa bill. Binayaran namin ang balance na 3,000 pesos. Meron pa ba kaming makukuhang benefit from Philhealth?
Wala na po. Ang Philhealth benefit ay naibawas na sa hospital bill.
Question: Philhealth-accredited po ang doctor at hospital. Qualified kami sa Philhealth. Pero hindi kami nakapag-submit ng MDR before madischarge. Nagbayad kami ng 11,000 pesos. Meron ba kaming makukuha sa Philhealth?
Makakakuha kayo ng reimbursement kung complete claim documents ang mai-submit ninyo sa Philhealth at mai-file ninyo sa Philhealth within 60 calendar days from date of discharge, pero hindi 11,000 pesos ang makukuha ninyo.
Kung Level 1 hospital o lying in, makakuha kayo ng 6,500, plus 1,500 kung nag-submit kayo ng official receipts (OR) ng prenatal consultation and drug cost na at least 1,500. Kapag Level 2, 3 or 4 hospital, makakuha kayo ng 5,000 pesos, plus 1,500 kung nagsubmit kayo ng prenatal ORs.
Dapat din na yong prenatal medicines ay nasa listahan ng Philippine National Drug Formulary (PNDF). Kung wala kayong approved prenatal ORs, wala ring prenatal reimbursement.
Related Articles:
Ask ko lng po kung may ma claim p me after giving birth..i just gave birth last nov 2013,nagfile kmi s philhealth then after discharge sa hosptal cnbi n wala n dw bbyadn pero before aq maadmit may mga pinabili p s aming medicines and supplies to be used in operating me,d q na Attach ung ibang official receipt n kmi ngbyad ng cash.may maclaim p po b aq.?tnx
Hi Mich, nabigyan ba kayo ng hospital bill? Meron bang nadeduct na 3k sa hospital cost? Kasi kung 3k ang nadeduct sa hospital cost, wala nang marefund. Merong 2k coverage for PF (doctor) pero dahil usually free ang PF sa government hospital, hindi na ito nag-aapir sa bill.