Philhealth Eligibility Requirement — Balik Uli sa 9 over 12 Premiums

9 Monthly Contributions Na!

 

Bago na naman ang Philhealth eligibility requirement para makakuha ka ng Philhealth benefits. Bumalik sa 9 monthly Philhealth contributions. Dapat nabayaran mo ang Philhealth contributions mo para sa 9 months sa loob ng 12 months BEFORE your hospital admission.

At tandaan na pay your Philhealth premiums BEFORE the day of confinement. Hindi puede yong magbayad on the day of confinement. Kahit umaga ka magbayad, at hapon ka na-confine, at tama naman yong bilang ng months paid, hindi ka pa rin eligible, kasi on the date of confinement ka nagbayad.

Kaya mas maganda yong magbayad regularly BEFORE payment deadlines para lagi kang ELIGIBLE.

Paano ang pagbilang ng 9 months?

Halimbawa, na-admit ka sa ospital ngayong buwan. Magbilang ka ng 12 months pabalik.  Isama mo sa pagbilang ang ngayong buwan, ang buwan na na-admit ka. Then i-check mo kung meron kang nabayaran na 9 months sa loob ng 12 months na yan. Kung meron, puede mong magamit ang Philhealth mo.

Itong 9-over-12 na rule ba ay para sa lahat ng types of Philhealth members?

Almost lahat. Except lang yong mga merong Validity Dates sa mga Philhealth cards nila tulad ng mga Sponsored o merong Validity Dates sa premium payment receipt nila katulad ng mga land-based OFWs.

Is the monthly Philhealth contribution from Individual Payors still 200 pesos?

Yes. Still 200 pesos per month. Ang nag-increase ng monthly premium ay yong mga Employed, Seafarers at Kasambahay

Examples ng payments na eligible sa Philhealth benefits:

Kung na-confine ka sa month of December, eligible ka for Philhealth benefits kung nabayaran mo ang 9 months within sa 12 na nakaraang months, at dapat meron kang 3 months na nabayaran within 6 months bago confinement.

Remember, kasama ang pag-count ng 12 months at pag-count ng 6 months yong month of confinement.

Yong months in BLUE ay nabayaran:

Ang month of confinement ay December:

Example 1 Example 2 Example 3
December December December
November November November
October October October
September September September
August August August
July July July
June June June
May May May
April April April
March March March
February February February
January January January

 

Example 4 Example 5 Example 6
December December December
November November November
October October October
September September September
August August August
July July July
June June June
May May May
April April April
March March March
February February February
January January January

Kung na-confine ka sa ibang months, magbilang ka lang ng 12 months BEFORE confinement. Kasama ang pagbilang mo ng 12 months ang month of confinement.

Reference:
Philhealth Circular No. 2017-0021, entitled Application of Sufficient Regularity of Payment of Premium Contributions to the Required Qualifying Contributions for Eligibility to Philhealth Benefits.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Health Philippines Net © 2008-2018 Frontier Theme